Handog ng isang non-profit organization ang job fair na magbibigay ng nasa 4,500 trabaho para sa mga graduate ng senior high school (SHS).
Ilulunsad ng Philippine Business for Education (PBEd) ang ‘First Future Career Immersion and Employment Caravan’ na layong mabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho o sumailalim sa work immersion ang mga nangangailangang SHS.
Kabilang sa 4,500 job openings ang mga trabaho sa sales, customer service, retail, finance, information technology, at admin work, ayon sa PBEd.
Maaaring dumalo sa nasabing fair sa Hulyo 11 sa Trinoma Mall, Quezon City, at sa Hulyo 16 naman sa Robinsons Galleria Cebu, Cebu City.
Ayon sa pag-aaral ng PBEd noong 2018, taglay na rin ng mga nagtapos ng SHS ang 93 porsyento ng competency o kakayahang hinahanap ng mga employer.