*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa 46 na barangay sa ilang bayan sa Isabela ang lubhang nakaranas ng malawakang pagbaha kabilang na ang Brgy. Alinguigan 2nd sa Lungsod ng Ilagan na halos nalubog ang lahat ng pananim na mais at palay maging kabahayan bunsod ng naranasang pag uulan sa buong Probinsya ng Isabela.
Pansamanatala namang isinara ang ilang pangunahing lansangan sa Isabela partikular sa Bayan ng Sto. Tomas kabilang ang Brgy. Malapagay, Amugaoan at San Rafael Abajo at Brgy. San Rafael sa Lungsod ng Ilagan habang umakyat na rin sa 18 tulay ang hindi na madaanan sa ilang lugar sa probinsya.
Batay sa tala ng Isabela Police Provincial Office, umabot na sa mahigit 7 libo na evacuees ang inilikas na nasa 462 na Evacuation Centers habang isa na ang naitalang namatay dahil sa bagyong tisoy at dalawa ang pawang pinaghahanap pa rin ng mga otoridad.
Kaugnay nito, 26 barangay sa Lungsod ng Ilagan ang wala ng suplay ng kuryente.
Samantala, pansamantalang isinara sa mga heavy vehicles ang Buntun Bridge sa Lungsod ng Tuguegarao upang maiwasan ang masikip na daloy ng trapiko.
Deklarado naming walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw sa buong Probinsya ng Cagayan habang pinag igting pa rin ang liquor ban sa probinsya.
Kaugnay nito, nagdeklara ng ‘State of Calamity’ ang Lungsod ng Tuguegarao dahil sa malawakang epekto ng buhos ng ulan dahilan ng pagbaha.