Tumaas pa ang naitalang lumabag sa umiiral na Gun Ban sa buong Region 1 noong unang linggo ng Marso.
Sa pahayag ni PRO1 Chief Regional Information Officer PLtCol. Benigno Sumawang, nakapagtala ng kabuuang 47 gun ban violators mula sa iba’t-ibang operasyon ng awtoridad simula nang ipatupad ito noong January 12.
Sa opisyal na bilang ng tanggapan noong Pebrero, nanguna ang Pangasinan sa buong rehiyon na may nahuling 13 violators; 7 mula sa Ilocos Norte; 4 mula sa La Union at 3 mula sa Ilocos Sur.
Pinaigting ng tanggapan ang pagsasagawa ng Oplan Katok,pagpapatrolya at checkpoints sa iba’t-ibang panig ng rehiyon upang isulong ang matiwasay na pagdaraos ng halalan ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments