48 anyos na lalaki biktima ng pamamaril

Sugatan ang isang lalaki matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapon alas onse ng tanghali sa Makakua street ng lungsod. Kinilala ang biktima nasi Guiamel Basir Sarip 48 anyos na residente ng Guindulungan Maguindanao, siyay nagtamo ng isng tama ng bala sa likod mula sa hindi natukoy na baril. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1 ni PCI Reynaldo Delanten, naglalakad lamang daw ang biktima sa lugar ng lapitan ng suspect mula sa likuran at doon ay binaril. Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspect na sumakay sa naghihintay na honda XRM, na hinabol pa ng mga pulis at tanods ngunit nakaalpas parin habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima. Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang inbestigasyon ng kapulisan.

Facebook Comments