Nakatanggap ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng mahigit 400 mga tawag sa itinatag nitong 24/7 complaint desk.
Ayon sa CICC, nitong mag-aalas-4:00 ng hapon ngayong December 28, mayroon nang 481 na tawag o calls/complaints na naitala nito.
Karamihan sa mga reklamo ay patungkol sa registration process, website malfunctions at malfunctioned na web features.
Ayon pa sa DICT, biglang buhos ang nag-register sa unang araw ng SIM card registration.
Umaapela ang DICT sa publiko na maging pasensyoso dahil isa lang itong birth pain sa isang bagong luwal na proseso.
Pagkalipas umano ng 15-day test period ay mas mataas na ang capacity for registration at maiaayos na ang proseso.
Inatasan naman ng National Telecommunications Commission ang mga telco na aksyunan ang mga sumusulpot na reklamo kaugnay sa SIM card registration.