Mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan ngayong araw, umabot na sa higit 93,000

Umabot na sa 93,062 ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa buong bansa ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 52,088 na ang outbound passengers at nasa 40,974 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, ininspeksyon din ng Coast Guard 479 na barko at 718 na motorbanca bago bumiyahe.


Nakakalat na rin ang 1,953 na tauhan ng PCG sa 15 distrito nito.

Mananatili ang heightened alert ng coast guard hanggang January 7,2023.

Facebook Comments