49% na Bata Edad 5-11 sa Isabela, Hindi pa rin Nabakunahan kontra COVID-19

Cauayan City, Isabela-Umaabot sa 49.4% edad 5-11 na bata ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 batay sa pinakahuling datos (Pebrero 25,2022) ng Isabela Provincial Health Office.

Lumalabas sa report, nasa 178,870 ang bilang ng batang nakatanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 mula sa target pedia population na 353,221.

May natitira na lang na 174,351 na indibidwal ang hindi pa nabakunahan kung kaya’t patuloy ang panawagan ng health authorities sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para makaiwas sa banta ng COVID-19.

Samantala, umabot na sa 83.7% o 1, 43,693 mula sa target population para sa taong 2021 ang nagpaturok pa lang ng unang dose habang 964,415 o 75.1% ang fully vaccinated na.

Simula bukas, unang araw ng Marso, isasailalim na sa Alert Level 1 ang status ng Isabela kung kaya’t patuloy pa rin ang paghimok ng pamahalaan sa publiko ang pagsunod sa minimum public health standard.

Facebook Comments