Anim na Pilipino mula Ukraine, dumating na sa Moldova; ilan pang mga pinoy, nagdadalawang-isip pang magpalikas

Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tanging walo sa 181 na pilipino sa ukraine ang hindi pa rin sigurado kung uuwi pabalik ng Pilipinas.

Sinabi ito ng kalihim sa gitna ng nagpapatuloy na repatriation at inter-city relocation efforts ng gobyerno sa mga Pilipinong apektado ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Umaasa naman si Bello na papayag na ang mga ito na umuwi ng bansa kung saan tiniyak nito na bibigyan ang mga ito ng gobyerno ng pagkakakitaan.


Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na nakarating sa Republic of Moldova ang anim na mga Filipinos mula sa Ukraine kung saan nakatakda rin silang ilipat patungo ng Romania kung saan sila sasakay ng flight pauwi ng Pilipinas

Mababatid na inanunsyo ng DFA na aabot na sa 22 Pilipino sa Ukraine ang inaasahang babalik dito sa Pilipinas habang aabot na sa anim sa mga Pilipino mula sa naturang bansa ang nakauwi na ng Pilipinas.

Facebook Comments