Nagtulong-tulong ang GO SHARE Foundation, Breath of Hope Foundation, Department of Education, Local Government Unit, Philippine National Police, Naval Special Operations Command, at ang 50th Infantry Battalion sa pagbibigay ng tulong sa mga benepisyaryo.
Kabilang ang mga tulong gaya ng libreng medical at dental check-up, libreng saklay at wheelchair sa mga Persons with Disabilities.
Kasabay ng pamamahagi ng libro at iba pang educational materials, pinasinayaan rin ang KLASRUM PAG-ASA o Breath of Hope Library na layong himukin ang mga kabataan sa pag-aaral at hindi mag-aksaya ng oras sa pagsali sa mga organisasyong may kaugnayan sa mga teroristang grupo na binanggit ng Anti-Terrorism Council.
Ayon kay LtC Melanio Somera, Battalion Commander ng 50IB, ipinakikita ng All-in-One Bayanihan na ang mga serbisyo sa mga tao ay hindi lamang para sa mga lokal sa mainstream kundi para din sa mga residente sa mga geographically isolated at disadvantaged areas.
Dagdag niya, ang Whole-of-Nation Approach ay hindi nangangahulugang- ang gobyerno ay nagtatrabaho nang mag-isa ngunit ang tagumpay ng pagpapatupad ay ginagawa sa pamamagitan ng tulong ng mga non-government organizations at ng mga residente.