Ngayon na nalalapit na ang kapaskuhan at dama na natin ang pagdating ng batang si Emmanuel na ating tagapagligtas. Kasabay pa nito ay ang malamig na simoy ng hangin na hudyat ng kasaganahan ng kapaskuhan at hindi mabubuo ang holiday season kung hindi magbubuklod ang ating pamilya.
Narito ang iilan activities na maaring gawin ngayong holiday season:
Magsimba
Isa sa mga tradisyon at kaugalian ng ating kapwa katoliko na isa sa mga panata at dahilan para sa pagbuklod n gating pamilya. At sa walang sawa na pasasalamat sa ating pang-araw-araw at pagpapatawad ng ating mga kasalanan.
Dumalaw sa mga kamag-anak
Ika nga nila na ang pag-ibig ang naghahatid ng hiwaga ng kapaskuhan. Kaya sa simpleng presensiya lamang dala na natin ang init ng pagmamahal kung ika’y maghahatid nito sa ilang malayang kamag-anakan.
Mag-shopping
Tuwing dadaos ang kapistahan ng pagsilang, siya naman daos ng bonus galing sa ating pinaghirapan. Alam naman natin na sa bawat minuto ay mahalaga para sa ating lahat na itreat ang ating sarili sa iilang bagay na ating gusto; hilig o pagkain na ating ihahanda sa darating na holiday season.
Magluto at mag-ekspiremento ng handa sa Pasko
Leche flan, halaya, pancit,hamon at iba pa. Ito lang ang karaniwang lutuin tuwing pagsapit ng kapaskuhan dahil isa sa dahilan na ang pasko ay simbolo ng pasko at dama ito sa bawat pag-hain ng pagkain sa bawat putahe.
Mamasyal
Sa malamig na panahon at simoy ng hangin kasabay nito ang nagliliwanag at kumukuti-kutitap na naglalaro sa ating mga mata. Isa ito sa magandang tanawin tuwing darating na kapaskuhan. Lalo na’t kasama natin an gating pamilya na nagbubuklod para lang masaksihan ang diwa ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagkakaisa at halaga ng bawat oras tuwing holiday season.
Article written by Maria Fatima A. Raci