Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police–Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at ng Taguig City Police Station ang dalawang pulis ng Taguig at tatlong sibilyan sa isinagawang buy-bust operation sa tapat ng isang superstore sa Arca South, Taguig City.
Narekober sa kanila ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱680,000, gayundin ang PNP-issued na mga baril, cellphones, at mga ID.
Dahil dito, ang mga nasabing suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso.
Kaugnay nito, kinondena naman ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pagkakasangkot ng mga nasabing pulis sa ilegal na gawain at tiniyak na pananatilihin ang zero tolerance sa ilegal na droga at anumang uri ng paglabag sa batas.
Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, walang lugar ang ilegal na droga sa kanilang lungsod.
Dagdag pa niya, nagpahayag din siya ng buong suporta sa nagpapatuloy na efforts ng PNP at ng Southern Police District (SPD) sa paglinis sa kanilang hanay at sa pagsasagawa ng aksyon laban sa mga personnel na lumalabag sa batas.










