Monday, March 23, 2026

5 indibidwal, naaresto sa buy-bust operation sa surigao city; P420K na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

Naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ang limang priority drug personalities sa Purok 5, Barangay Poctoy, Surigao City.

Kung saan nakumpiska sa mga suspek ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P420,000.

Bukod dito ay narekober din sa mga nasabing indibidwal ang ginamit na buy-bust money, mga mobile phone, dalawang motorsiklo kasama ng isang may sidecar, at mga IDs.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments