Pansamantalang isinara ang limang museum na naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol sa Abra kahapon.
Ayon sa National Museum of the Philippines (NMP), hangga’t nagpapatuloy ang assessment ay mananatili munang sarado ang:
Ilocos Regional Museum Complex sa Vigan City, Ilocos Sur
Cagayan Valley Regional Museum sa Peñablanca, Cagayan
Batanes Area Museum sa Uyugan, Batanes
Cordillera Rice Terraces Site Museum sa Kiangan, Ifugao
Kabayan Burial Caves Site Museum sa Kabayan, Benguet
Nangako naman ang National Historical Commission of the Philippine (NHCP) na tutulong ito sa rehabilistasyon ng mga historic sites na nasira ng lindol.
Ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan at mga may-ari ng cultural property upang maisaayos agad ang mga nasirang heritage properties.
Nabatid na karamihan sa mga nasirang istruktura sa Northern Luzon ay mga deklaradong National Historical Landmarks at Important Cultural Properties gaya ng Sta. Catalina de Alexandria Church, San Lorenzo Ruiz Church at Bantay Bell Tower.