5 NPA, napatay sa engkwentro ng Sundalo sa Ilocos Sur; Baril, Narekober

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga kasundaluhan ng 91st Brigade Reconnaissance Company, 1st Brigade Combat Team ang isang (1) M16 rifle makaraang makasagupa ang pitong (7) bandidong NPA sa ilalim ng Komiteng Larangan Gerilya South Ilocos Sur (KLG-SIS) sa pagitan ng Bayan ng San Emilio and Gregorio del Pilar of Ilocos Sur bandang 8:30 kaninang umaga.

Ayon sa ulat, nakasagupa ng tropa ng sundalo ang mga rebelde sa ilalim ni alyas ‘Nero’ na lider ng nasabing samahan, kabilang sa grupo na nakaengkwentro ng tropa nitong ika-8 ng Agosto sa Barangay Suagayan, Santa Lucia, Ilocos Sur kung saan limang (5) NPA ang napatay at siyam (9) sa kanilang mga armas ay narekober.

Sa impormasyon na natanggap ng kasundaluhan ay natagpuan ang pinagtataguang kuta ng mga bandido kung saan nagkaroon ng engkwentro.


Dagdag pa sa ulat, walang naitalang casualty sa pagitan ng mga sundalo kung saan hindi pa mabatid ang kabuuan ng bilang ng mga napatay sa hanay ng mga rebelde.

Ayon kay Major General Alfredo V. Rosario Jr. PA, Commander ng 7th Infantry Division,umaapela siya sa pwersa ng rebelde na mangyaring sumuko nalang sa pamahalaan bago pa mahuli ang lahat.

Kabilang pa sa mga narekober ang isang (1) radio, mga gamut, isang (1) AK47 magazine at mga personal na kagamitan.



Facebook Comments