5 pang suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo, tukoy na ng PNP

Kilala na ng Philippine National Police ang pagkakakilanlan ng lima pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, may sinusundan na silang “credible lead” sa kinaroroonan ng mga suspek.

Batid aniya ng mga suspek ang kakayahan ng kanilang mastermind at hindi malayong ipapatay rin sila kaya mainam kung susuko na sila sa mga awtoridad.


Napag-alaman din na ginawa ang grupo para lamang ligpitin ang gobernador.

Patuloy namang pinaghahandaan ng PNP ang mga kasong isasampa sa mga suspek upang matiyak na mapapanagot ang mga ito sa batas.

Facebook Comments