Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, humiling ng dalawang buwang leave of absence sa Kamara

Humiling si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves Jr., kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng dalawang buwang “leave of absence” sa Kamara.

Magsisimula ito sa March 9, 2023 na siyang araw na napaso ang kanyang travel authority na nagsimula noong February 28 para sa kaniyang biyahe sa Amerika.

Sa liham kay Speaker Romualdez ay idinahilan ni Congressman Arnie Teves ang matinding banta sa buhay at seguridad niya at ng kanyang pamilya.


Tiniyak naman ni Teves na siya ay babalik sa oras na maaksyunan na ang banta sa kanyang buhay sa ilalim ng ating mga batas, at sa tulong ng gobyerno.

Si Congressman Arnulfo Teves ay pinauuwi na sa bansa ni Speaker Romualdez dahil paso na ang kanyag travel authority at para din harapin ang pagkakasangkot niya sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Facebook Comments