5 patay sa banggaan ng truck at van sa Nasugbu, Batangas

Nasugbu, Batangas – Patay ang limang miyembro ng pamilya matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang truck sa Nasugbu, Batangas.

Mabilis ang pagpapatakbo ng truck driver na si Gerardo Tiongson sa palusong at madulas na kalsada sa Barangay Aga kaya’t nawalan ng kontrol sa truck hanggang sa sumalpok sa kasalubong at paakyat na van.

Agad namatay ang mga sakay ng van at ilan sa kanila ay naipit sa loob ng sasakyan.


Sugatan naman si Tiongson at pahinante ng truck na si Ricardo Miranda.

Papunta sana sa Calaca, Batangas ang truck habang pauwi sana sa Maynila ang pamilyang sakay ng van.

Facebook Comments