Isinusulong ang paggamit ng renewable energy sa Bacnotan, La Union sa pagsisimula ng pagpapatayo ng solar power farm sa Brgy. Ortega.
Noong Huwebes, Pebrero 26, isinagawa ang ground breaking para sa naturang proyekto na inaasahang nakakapagprodyus ng kuryente o may capacity na 50 megawatts.
Kalakip nito ang ilang oportunidad sa trabaho ang pwedeng magbukas para sa mga residente sakaling matapos ang proyekto.
Malinaw rin ang mensahe ng lokal na pamahalaan na patuloy ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga personalidad at samahan upang mas marami pang proyekto at programa ang mapapakinabangan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










