Monday, March 2, 2026

50 OFW na patungo ng Middle East, stranded sa NAIA 3

Limampu pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na patungo ng Middle East ang stranded sa NAIA 3 sa harap ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ang naturang OFWs ay pansamantalang kinupkop sa OFW Lounge sa paliparan habang inaayos ang kanilang accommodation.

Kinumpirma naman ni Melanie Guan, welfare officer ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa OFW Lounge, na binigyan ng ahensya ng option ang stranded OFWs kung mananatili sila sa OWWA accomodation o bibigyan ng libreng airline ticket para bumalik muna sa kanilang mga lalawigan.

Una na ring inasistehan ng OWWA ang ilang stranded OFWs sa NAIA 1 OFW Lounge.

Samantala, patuloy ang pagdagsa sa NAIA ng Pinoy workers na nagbabakasali na makalipad na at makabalik sa kanilang trabaho sa Middle East.

Facebook Comments