500,000 na bagong negosyo, naitala ng DTI

Tinatayang nasa 500,000 na bagong negosyo ang nadagdag sa bansa ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) mula nang magsimula ang pandemya hanggang nitong Enero 2021.

Sa 500,000 na bagong negosyo, higit 87 thousand dito ay retail business o online selling at 68 thousand naman ay mga retail selling o sari-sari store.

Ayon kay DTI NCR Regional Director Marcelina Alcantara, indikasyon ito na pursigido ang mga Pilipino na bumangon sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng pandemya.


Facebook Comments