502nd Brigade Philippine Army, Abala sa Oplan Kapayapaan!

Cauayan City, Isabela – Puspusan ang ginagawang implementasyon ng pamunuan ng 502nd Brigade sa Oplan Kapayapaan upang makamit ang layunin na makatulong sa mga taong bayan lalo na ang mga nasa mga liblib na lugar sa loob ng kanilang lugar na nasasakupan.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kina Commanding Officer Captain Jomark Clete ng Bravo Company, 5th CMO Batallion at Surgent Jake Lopez ng 502nd Brigade, na kadalasang naiimpluwensyahan ng makakaliwang grupo umano ay mga taong bayan na nasa malalayong lugar kung saan ay marami na ang napahamak dito.

Paliwanag ni Surgent Jake Lopez na ipinapatupad ng 502nd Brigade ang mga pangunahing serbisyo na sasagot sa mga pangangailangan ng taong bayan upang hindi maimpluwesyahan ng kabilang grupo.


Sinabi pa ni Surgent Lopez na kasalukuyan ngayon ang pagpapatayo ng mga impraistraktura na tutulong sa mga taong bayan tulad na lamang umano sa bayan ng Sto Nino at Rizal Cagayan na nakapagpatayo na ng barangay hall, daan upang hindi na tatawid ng ilog na suportado naman ng local na pamahalaan.

Pangalawa umano ang usapin na sasagot sa terorismo sa bansa na batay rin sa naging derektiba ng pangulong Duterte na tapusin ang insurhensiya sa bansa.

Facebook Comments