Ayon kay DAR Assistant Regional Director for Administration Estrelita V. Go, nagsimulang itayo ang naturang proyekto noong November 2021 at natapos lamang nitong March 7 kung saan isa itong foreign assisted project sa pagitan ng Pilipinas at ng French Government.
Layunin ng proyekto na isulong ang pag-unlad sa kanayunan sa mga komunidad ng repormang agraryo na nagsimula pa noong 2001-2004 at ipinatupad lamang ito taong 2008 kung saan mahabang panahon na natigil ang ganitong proyekto na kalaunan ay nagtuloy-tuloy sa ilalim ng administrasyong Duterte.
May sukat naman ang tulay na 40.2 linear meters na inaasahang mapapakinabangan ng hindi bababa sa 400 Agrarian Reform Beneficiaries
Sa pamamagitan ng proyekto itong, mapapalakas na ang ekonomiya na higit na mapapakinabangan ng mga magsasaka dahil mapapabilis na rin ang transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka sa mga pamilihan.
Ito rin ay magdurugtong sa mga karatig barangay tulad ng Balligui, Buenavista, Dumabato Sur, Dumabato Norte, Villa Hermosa Norte, Lusod, at Sta. Maria.
Ang nasabing tulay ay hango sa French infrastructure na dinisenyo upang magtagal at aabot sa 50 taon.