Mahigit 4-M COVID vaccines, Naituroksa General Population ng Region 2

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 6,187,616 doses ng COVID-19 vaccines o katumbas ng 100% ang naipamahagi sa 303 vaccination sites sa buong lambak ng Cagayan.

Umabot naman sa 4,635,200 doses ang naiturok kung saan 2,310,290 indibidwal ang nakakumpleto nang bakuna habang kabuuang 2,324,910 indibidwal ang nakatanggap ng first doses.

Ang average daily doses na naiturok sa nakalipas na pitong (7) araw ay umabot sa 8,041.

Paalala pa rin sa publiko ang pagsunod sa minimum public health standard upang makaiwas sa COVID-19 virus.

Facebook Comments