52 na Dating NPA, Nabigyan ng Tulong Pinansyal mula DSWD 2!

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 52 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa gobyerno ang nabigyan ng tulong pinansyal ng Regional Department of Social Welfare and Development bilang bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Ibinigay ang tulong sa Punong Tanggapan ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion, na nakahimpil sa Zone 1, San Mariano Isabela noong ika-13 ng Marso 2020 sa pangunguna ni USec. Rene Glen Paje ng Inclusive and Sustainable Peace – DSWD kasama sina Director Fernando R De Villa Jr., ng DSWD-Region 2, BGen Laurence E Mina, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade at si LTC Gladiuz C Calilan, ang Battalion Commander ng 95IB.

Kabilang sa 52 na nagbalik-loob ay ang tatlong (3) menor-de-edad kung saan naipagkaloob sa mga ito ang kabuuang halaga na Php160,000.00.


Ayon sa mensahe ni Usec Paje, ang ibinigay na tulong pinansyal ay bahagi lamang ng kanilang programa para sa mga rebelde na nagbalik lood sa pamahalaan.

Pinayuhan ang 52 na gamitin ang natanggap na benepisyo para sa kanilang edukasyon at medikal na pangangailangan.

Nagpapasalamat naman sa DSWD si MGen. Lorenzo dahil sa kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan para matulungan ang mga rebel returnees na nalinlang lamang ng teroristang NPA.

Nanawagan din ito sa mga natitira pang mga rebelde na nasa kabundukan na magbalik loob na sa ating pamahalaan at makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.

Facebook Comments