59-anyos na lalaki, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa evacuation center sa Marawi City

Marawi City – Sugatan ang isang 59-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa isang evacuation center sa Marawi City dakong alas 3:30 kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na si Mangosi Solaiman, bakwit mula sa Barangay Raya Madaya.

Nasa ikalawang palapag ng evacuation center si Solaiman nang tamaan niya ng bala sa kanang balikat nito.


Ginagamot na sa ospital ang biktima.

Facebook Comments