6, 036 NA GURO NG PANGASINAN 1 DIVISION, HANDA NA SA ELEKSYON

33
Tiniyak ng Department of Education Pangasinan 1 Division na HANDA na ang mga guro nito na magsisilbi sa darating na May 9 National and Local Elections.
Sa isang panayam sinabi ni Superintent Ely Ubaldo na mula sa 12, 376 na guro nito, 6, 036 ang magsisilbing board of election inspectors at DepEd Supervising Officials.
Aniya, ang mga ito ay sumailalim sa iba’t-ibang training bilang paghahanda sa halalan.

Tatlong guro sa bawat polling precinct ang nakatakdang umalalay sa mga boboto.
Samantala, sa darating na ika-6 ng Mayo naman nakatakdang isagawa ang final testing and sealing ng mga vote counting machines na gagamitin sa mga polling centers ng Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments