6.2 bilyong pisong cash subsidy para sa mahihirap na Pilipino, inilabas ng DBM

Inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang aabot sa ₱6.2 billion na cash subsidy upang tulungan ang mahihirap na Pilipino.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin bunsod ng walang humpay na oil price hike sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa DBM, ang naturang halaga ay sasakupin ang unang trance ng Targeted Cash Transfer program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Sa ilalim nito, makakatanggap ang anim na milyong benepisyaryo mula sa Panwatid Pamilyang Pilipino Program (4PSs) at social pension beneficiaries ng 500 pesos na buwanang ayuda sa loob ng anim na buwan na hahatiin sa tatlong tranches,

Dahil dito ay makakatanggap ang mga ito ng 1,000 pesos sa unang tranche na siyang idadaan sa cash cards na inisyu ng LandBank of the Philippines o sa iba pang pamamaraan.

Mababatid na minaliit ang cash subsidy ng ilang sector dahil sa hindi ito sapat upang tugunan ang gastusin sa loob ng isang araw.

Facebook Comments