6 MOST WANTED PERSONS, TIMBOG SA 3-ARAW NA OPERASYON NG PRO 1

‎Anim na indibidwal na kabilang sa Most Wanted Persons (MWPs) ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa isinagawang tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Ilocos Region.

‎Mula August 17 hanggang 19, kabuuang 42 wanted persons ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

‎Sa anim na MWP na naaresto, dalawa ang kabilang sa provincial level, isa sa city level, at tatlo sa municipal level.

‎Samantala, 36 na iba pang indibidwal na may mga nakabinbing warrant of arrest ang naaresto rin sa naturang operasyon.

‎Patuloy namang palalakasin ng PRO 1 ang mga operasyon laban sa mga wanted person upang maiharap ang mga ito sa hukuman at mapanatili ang seguridad sa mga komunidad sa Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments