Saturday, August 22, 2026

‎₱13M HALAGA NG MARIJUANA, SINIRA SA JOINT OPERATION NG PDEA R1 SA KALINGA

‎Umabot sa tinatayang ₱13 milyon ang halaga ng mga fully grown marijuana plants na binunot at sinunog sa isinagawang joint high-impact operation sa Barangay Tulgao West, Tinglayan, Kalinga nitong Miyerkules, Agosto 19, 2026.

‎Pinangunahan ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 1–La Union Provincial Office, PDEA Kalinga Provincial Office, Kalinga Police Drug Enforcement Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, 111th Special Action Company ng PNP-SAF, Philippine Coast Guard Sub-Station Kalinga, at Tinglayan Municipal Police Station.

‎Dalawang cultivation site na may kabuuang lawak na tinatayang 6,500 square meters ang sinalakay ng mga awtoridad.

‎Sa unang site, nakumpiska ang tinatayang 50,000 fully grown marijuana plants, habang nasa 15,000 naman ang natukoy sa ikalawang site.

‎Kabuuang 65,000 marijuana plants ang binunot at agad na sinunog sa lugar alinsunod sa operational protocols.

‎Ayon kay PDEA Regional Director Dir. Julius M. Paderes, PhD, patuloy ang ahensya sa pagsugpo sa pinagkukunan ng ilegal na droga upang mapigilan ang pagkalat nito sa mga komunidad.

‎Wala namang naaresto sa isinagawang operasyon.

‎Patuloy ang imbestigasyon at beripikasyon sa pagmamay-ari ng lupain upang matukoy ang mga nasa likod ng pagtatanim at mapanagot sa ilalim ng Section 16, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments