6 na mgamangingisda na naiulat na nawawala , nakauwi na ng ligtas sa kani-kanilangmga pamilya

Nabas, Aklan- Ligtas na ang anim na mga mangingisda na naiulat na nawawala matapos magpalaot sa kasagsagan ng bagyong Dante kahapon.
Ayon sa report ng MDRRMO Nabas unang iniulat sa kanilang tanggapan ang apat na mangingisda na taga Alimbo Baybay Nabas.
Nakilala ang mga ito na sina Russel Valeriano, 46 anyos, Renato Ablen 15 anyos at Eugene Borris 26 anyos lulan ng isang bangka.
Habang sakay naman sa isa pang bangka si Allan Paroginog 58 anyos.
Sa pakikipagtulungan sa PCG Caticlan, ilang beses nagsagawa ng Search and Rescue operation ang mga responders para matunton ang mga ito ngunit negatibo parin ang resulta.
Alas 6:00 kahapon ng hapon nakatanggap ng report ang MDRRMO Nabas na nakauwi na umano ang tatlo matapos na maayos ng mga ito ang nasirang makina ng kanilang bangka.
Nagsagawa ulit ng SAR ang mga responders at nakipag ugnayan sa barangay council ng Alimbo baybay para hanapin si Paroginog at kalaunan ay natagpuan ito sa layong 5 nautical miles sa karagatang sakop ng Nabas kaninang umaga.
Agad na tumulong ang PCG para hilahin ang bangka ng biktima at binigyan ng paunang lunas bago itinurn over sa kanyang pamilya.
Sa kabilang dako, sa magkaseparadong insidente sinasabing may maglive in partner din umano ang nawawala na taga Buenasuerte nang nasabing bayan.
Nakilala ang dalawa na sina Aiza Bautista 22 anyos at Roilan Estoya, 24 anyos.
Ngunit kaninang 7:00 ng umaga narescue rin ang dalawa matapos na matagpuan at tulungan ito ni Mr. Moriel Roylon ng Navitas Numancia at ipinagbigay alam sa kinauukulan.
Sa ngayon ay ligtas na ang 6 na mga reported missing habang wala namang napaulat na casualties dala ng bagyong Dante ang buong bayan ng Nabas.

Facebook Comments