Maraming paraan upang makatipid. Ito ang ilan sa mga paraan na siguro’y di mo madalas gawin o kaya ay hindi mo pa nagagawa.
1. Babaan ang brightness ng TV at computer screen
Hindi lang makakatulong ito sa mata mo kundi pati sa pagbabawas ng power consumption ng 40%.
2. Mag-antay ng katapusan bago gumastos ng malaki
Madalas sa katapusan ng buwan maraming sales sa mga mall. Magandang dito mo na bilhin ang mga gusto mong gamit.
3. Itabi ang mga lumang kalendaryo
Ang mga lumang kalendaryo ay nauulit sa ibang taon. Katulad ng taong 2015. Magagamit muli ito sa 2026, 2037, 2043, 2054, 2065, 2071, 2082. Narito ang schedule ng mga kalendaryo na pwede mo ulit gamitin. Link: whencanireusethiscalenda r.com
4. Pinturahan ng puti ang bubong
Ang mga dark colored roofs ay malakas mag-absorb ng init. Kung pipinturahan mo ng puti ang bubong mo ay makakatipid ka sa paggamit ng electric fan at aircon dahil kaunting init nalang ang papasok sa bahay mo.
5. Tantiyahin kung magkano ang magagastos mo sa isang linggo tuwing gabi ng Biyernes
Sa ganitong paraan ay hindi ka mabibigla sa mga pwede mong gastusin kapag weekend lalo na kung may mga lakad ka. Mainam na rin na palagi mong
bina-budget ang mga gagastusin mo.
6. I-unfollow at i-unsubscribe lahat ng page ng paborito mong gamit
Sa mga nakikita nating online stores at page ay nate- tempt tayong bumili ng mga gamit kahit hindi pa naman natin kailangan o kaya nagustuhan lang natin ang itsura. Kaya ang sagot dito, para hindi mo na sila mabili, i-unfollow at i-unsubscribe mo nalang sila.
Article written by Melody Lacson
Facebook Comments