Mas marami ang bumoto ng “yes” sa ginanap na ikalawang bahagi ng plebesito sa Bangsamoro Organic Law sa North Cotabato.
Batay sa latest tally ng Commission on Elections, isa sa pitong bayan sa North Cotabato ang hindi pumayag na mapabilang sa bubuoing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ay ang bayan ng tulunan, na may isang barangay.
Sabi ni COMELEC Region 12 Director Michael Abas, nag-iisa ang bayan ng tulunan sa mataas ang turn out ng boto na pumalo sa siyamnapu’t lima (95).
Bukod dito aniya, mananatili rin ang bayan ng tulunan sa mismong mother unit nito, at sasama na ito sa dalawampu’t walong barangay.
Facebook Comments