60 mga bahay, naabo sa sunog sa Cebu

Cebu City – Nasa animnapung (60) mga bahay ang natupok ng apoy sa barangay Calamba, Cebu City.

Ayon kay Cebu City Fire Marshall Rogelio Bongabong Jr., umabot ng halos dalawang oras bago naideklarang under control ang sunog.

Sa ngayon, dalawang anggulo ang tinitingnan ng otoridad sa posibleng piunagmulan ng sunog.


May nagsabi kasi na nagsimula ang apoy sa isang bahay na ginagawang drug den habang may mga ulat din na may mag-asawang nag-aaway kung saan nagbanta ang lalaki na susunugin ang kanilang bahay.

Nasa tatlong-daang libong piso ang danyos sa sunog.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Facebook Comments