Lalaking tulak umano ng iligal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Muntinlupa City

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Muntinlupa.

Nakilala ang suspek na si Resty Alain Lopena.

Nakuha mula sa kanya ang 11.5 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱78,200 at ang ₱500 na perang ginamit bilang buy-bust money.


Ikinasa ang operasyon pasado alas 6:40 kagabi sa Purok 4, Brgy. Sucat sa naturang lungsod.

Ito’y matapos makumpirma ng mga pulis ang iligal na gawin ng suspek kaugnay sa ipinagbabawal na gamot.

Nakakulong na ang susupek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments