6000 Guro sa ARMM gagamitin sa May 14 election

Umaabot sa anim na libong mga guro mula sa ARMM ang gagamitin para sa May 14 barangay at SK election, ito naman ang sinabi ni DepEd ARMM Secretary Atty.Raasol Mitmug sa ginawang pulong balitaan kahapon.
Anya, meron ilang bayan sa maguindanao, lanao del sur at Sulu na tumanggi na ang mga teacher na magsilbi sa halalan dahil sa pangseguridad na kadahilanan ay kanila naman itong inereport sa security sector upang mabigyan ng action kaagad upang pulis na lang ang gagamitin Board of Election Tellers o Board of Election Inspector.
Dahil sa intense political rivalry at ayaw maipit ng mga guro kayat silay umatras, na kung saan ay valid naman ang rason ayon sa kalihim.

Facebook Comments