Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang na-detect sa bansa na karagdagang 618 Omicron cases mula sa 677 samples na isinailalim sa genome sequencing.
Ayon sa DOH, karamihan sa mga bagong kaso ng Omicron sa bansa ay ang “Stealth Omicron” o ang BA.2 sub-variant.
Sa 618 na bagong kaso ng Omicron variant, 497 ang local cases na pawang mula sa Metro Manila habang 121 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs).
13 sa naturang mga kaso ang aktibo pa, 2 ang namatay, 560 ang gumaling na habang 43 cases ay inaalam pa ang kondisyon.
Sa ngayon, umaabot na sa 1,153 ang kabuuang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Nakapagtala rin ang DOH na 35 bagong kaso ng Delta variant kaya ang kabuuang kaso na ng Delta variant sa Pilipinas ay 8,647.
Facebook Comments