659 na klase at 230 pasok sa trabaho, suspendido pa rin dahil sa epekto ng Bagyong Paeng

Nasa kabuuang 659 na mga klase parin ang nananatiling suspendido ngayong araw dahil sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Partikular ang class suspensions sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA, BARMM, CAR at NCR.


Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 230 tanggapan ng pamahalaan ang nagsuspinde din ng pasok sa trabaho.

Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod nang patuloy na pagbaha ng ilang lugar sa bansa kung saan ang mga paaralan ang pansamantalang tinutuluyan ng mga apektadong indibidwal.

Kasunod nito, patuloy na pinagiingat ng pamahalaan ang publiko, ugaliing maging updated sa lagay ng panahon at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang aksidente.

Facebook Comments