68.4 million na Pinoy, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Mahigit 68.4 million na indibidwal sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang nitong May 8, 2022.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, katumbas ito ng 76 percent mula sa 90 million na target population na makabunahan bago matapos ang temrino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo.

Gayunman, nananatili aniyang mababa ang bilang ng mga nakatanggap na ng booster shot.


Sinabi naman ni Cabotaje na nagtalaga ang pamahalaan ng 216 COVID-19 vaccination centers malapit sa mga polling places,

Pinakamaraming vaccination centers ay inilagay sa Soccsksargen o Region 12.

Ang isang botante aniya ay kailangan lamang na magpakita ng isang ID card at isang vaccination card kung nakatanggap na ng first dose sa mga vaccinator, ang parehong proseso ay ginagawa sa mga regular na immunization center.

Facebook Comments