6K na tao nakiisa sa Global Handwashing Day sa Cotabato City

Tinatayang nasa anim na libong mga indibidwal ang nakiisa sa Global Handwashing Day sa Cotabato City.

Pinangunahan ni City Vice Mayor Graham Dumama, City Admin Dandan Juanday kasama ang mga opisyales ng Sangguniang Panlungsod, mga opisyales ng City DEPED at Samaritans Purse ang aktibidad.

Nakilahok rin ang mga kawani ng LGU at libo libong mga mag aaral ng syudad. Sabay sabay na naghugas ng kamay ang mga ito mula Peoles Palace hanggang Sero Elementary School. Tema ngayong taon ay “Our Hands , Our Future”.


Layunin ng aktibidad na maisulong at mapanatili ang magandang kalusugan lalo na sa mga kabataan sa pamamagitan ng tamang paghuhugas ng kamay sa panayam kay Cherry Villoria , City Social Welfare Officer


Facebook Comments