7 dating opisyal ng NYC, humiling na rin sa Comelec na ibasura ang substitution bid ni Cardema

Manila, Philippines – Humirit na rin sa Comelec ang pitong dating National Youth Commission (NYC) officials na ibasura ang substitution bid ni dating NYC Chairman Ronald Cardema.

Kabilang sa nanawagan sa Comelec si dating NYC Chairperson Aiza Seguerra.

Kinuwestiyon din ng dating NYC officials ang pagiging over age ni Cardema para maging kinatawan ng Duterte Youth party-list.


Malinaw anila sa nakasaad sa Party-list law na ang nominee sa youth sector ay dapat at least 25 years old at hindi lalagpas sa trenta anyos.

Una na ring inilatag ng iba’t-ibang grupo ang nasabing ground sa kanilang pagharang sa Comelec sa substitution bid ni Cardema.

Facebook Comments