Sa isang relasyon, hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan na umaabot sa punto na gusto mo ng umalis sa inyong malamig na pagsasama. Ang dating nagbabaga ay ngayo’y kupas na? Gusto mo ‘yon? Ito ang ilang tips upang manumbalik sa dati ang inyong pag-iibigan.
1. Huwag sisihin ang iyong partner.
Kapag mayroon kayong problema, huwag nang magsisihan. Pag-aralang mabuti ang problema upang hindi na lumala at hindi mauwi sa hiwalayan. Subukan mong intindihn ang iyong partner at unawain ang kanyang panig. Kung ano ang mga bagay na may pagkukulang siya, iyun ang ibigay mo, para marealize niya kung ano man ang kulang at hindi niya nagagawa sa inyong relasyon.
2. Go out.
Idol, kapag nanlalamig na ang inyong dating mainit at nag aalab na relasyon, yayain mo siyang lumabas, mag unwind at mag-date. Puntahan ninyo ang mga lugar na saksi ng inyong pagmamahalan dahil magpapaalala ito sa inyong dalawa kung paano kayo nagsimula at lumago bilang magkarelasyon.
3. Become more playful.
Disclamer: Ito ay para sa mga mag-asawa lamang.
Idol, isa sa sangkap ng mainit na pagmamahalan ay ang pagtatalik. Matutong mag-experiment ng mga bagay na hindi n’yo pa nagagwa sa kama para naman may mailook forward ang iyong partner. Huwag kang mahiyang gumawa ng paraan para mas maging intimate sa isa’t-isa.
5. Communicate your concerns.
Communication is the key in a successful relationship. Kapag mayroong problema, matutong kausapin ang partner. Gumawa ng oras para mag heart to heart talk dahil walang problema ang hindi nadadaan sa magandang usapan. Matutong kang mag-initiate para makapag-usap kayo. Huwag pairalin ang pride. Ang pride ay sabon, hindi inuugali.
6. Take a break.
Kailangan n’yong magkaroon ng personal space. Hindi laging mainit, hindi laging matamis. Duimadating talaga sa point na magsasawa ka, magsasawa ka sa ugali at kahit sa pagmumukha ng partner mo. Magpahinga ka lang idol, pero huwag kang bibitaw. Kung kaya pang isalba at ayusin, go for it. Pero kung ang partner mo na ang sumuko at ikaw na lang ang lumalaban, itigil mo na. Know your worth.
7. Remember the good times.
Lagi mong isipin kung saan, ano at paano kayo nagsimula. Isipin mo ang mga bagay at mga problemang nalagpasan ninyong dalawa at nagpatibay sa inyong relasyon.
Facebook Comments