Umabot sa 70 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkakaugnay na manhunt operations na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region mula Hulyo 15 hanggang 21, 2026.
Ayon sa PRO 1, kabilang sa mga naaresto ang dalawang Regional Most Wanted Persons, apat na Provincial Most Wanted Persons, tatlong Municipal Most Wanted Persons, at 61 iba pang wanted persons. Naging matagumpay ang operasyon sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsisilbi ng mga warrant of arrest, masusing intelligence monitoring, at mahigpit na koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya.
Patuloy namang hinikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pag-aresto sa iba pang mga wanted person at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










