Patuloy ang isinasagawang dredging operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional OfficeI sa Sinucalan River, Barangay Lasip Chico, Dagupan City, Pangasinan, bilang bahagi ng programang Oplan Kontra Baha.
Layunin ng operasyon na mapabuti ang daloy ng tubig sa ilog at makatulong na mabawasan ang panganib ng pagbaha,lalo na tuwing nakararanas ng malalakas na pag-ulan.
Binigyang-diin ng tanggapan na kailangang tutukan ang mga hakbang laban sa pagbaha upang maiwasan ang pinsala at panganib na dulot ng matinding pag-ulan, na maaaring makaapekto sa kaligtasan at pang-araw-araw na pamumuhay ngmga mamamayan.
Samantala, nagpapatuloy rin ang mga isinasagawang konstruksyon ng mabababang kalsada, pagsasaayos ng mga drainage system sa Dagupan City upang matiyak ang maayos na daluyan ng tubig upang agad na humupa ang baha na maaaring dulot ng pag-uulan o bagyo.
Tiniyak rin ng lokal na pamahalaan ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng DPWH. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







