
Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na suspendido na ang klase sa lahat ng paaralan sa Lunes, July 27.
Ito ay kasabay ng idaraos na ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Moreno, saklaw ng class suspension ang face-to-face at online sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Layon aniya nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente kabilang ang mga estudyante at guro na masubaybayan ang ikalimang SONA ni PBBM.
Facebook Comments










