Manila, Philippines – Nasa 73 katao ang naaresto ng kapulisan sa ‘one time, big time’ operation sa Caloocan City.
Sa isang press conference, sinabi ng director ng Northern Police District na si Chief Supt. Roberto Fajardo na 60 dito ay mga drug suspect.
Dagdag pa nito, dalawa rito ang napatay matapos na manlaban sa mga awtoridad sa gitna ng operasyon.
Nakuha sa mga suspek ang 40 na gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, dalawang improvised gun, isang .38 revolver at iba pang armas.
Ayon pa kay Fajardo, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon bilang parte ng kanilang plano na mabawasan ang crime rate sa kanilang distrito.
Nilalayon din nila na gawing drug free ang mga barangay sa naturang siyudad.
Facebook Comments