75 BAG NG DUGO, NALIKOM SA MASS BLOOD DONATION SA ALAMINOS CITY

Nalikom ang kabuuang 75 bag ng dugo sa isang Mass Blood Donation na isinagawa sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City.

Ayon sa pamahalaang panlungsod, ang aktibidad ay isinagawa sa tulong ng iba’t ibang lokal na tanggapan at katuwang na ahensya na nangasiwa sa proseso ng blood donation.

Lumahok sa aktibidad ang mga boluntaryong donor habang siniguro ng mga medical personnel ang ligtas at maayos na pagsasagawa ng blood collection.

Inaasahan ng lungsod na magagamit ang mga nakalap na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang transfusion sa mga ospital sa lungsod at karatig na lugar.

Facebook Comments