Friday, August 21, 2026

Psychological first aid, inilatag ng DSWD para sa mga estudyante, guro, at magulang sa AdZU

Nagsagawa ng psychological first aid o PFA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa komunidad ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU), kasunod ng pamamaril sa Junior High School nitong Agosto 18.

Ayon sa DSWD Field Office 9, nasa 92 mag-aaral, 105 faculty at staff, at 16 na magulang ang nabigyan ng PFA nitong Agosto 20.

Katuwang sa mga session ang mental health professionals ng DSWD at 70 PFA volunteers.

Layunin nitong matulungan ang mga nakaranas ng takot, pangamba at trauma dahil sa insidente.

Tiniyak naman ng DSWD na patuloy itong makikipag-ugnayan sa pamunuan ng AdZU upang magbigay ng kinakailangang psychosocial support sa buong school community.

Facebook Comments