Ipinasakamay na ng PNP sa Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) ang walong babaeng biktima ng trafficking sa Las Piñas City para sa evaluation at assessment.
Ang mga biktima ay nailigtas kasabay ng isinagawang entrapment operation na target ang isang wellness spa sa Brgy. Pamplona Dos, Las Piñas City.
Naaresto sa naturang operasyon ang dalawang suspek na sina alyas Mary na pimp at receptionist at alyas Fred na nagsisilbing room security at maintenance ng naturang establisimiyento.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang sheds light na ginagamit sa umano’y illicit activities na isinasagawa sa premises ng naturang spa.
Kasama pa rito ang P500 bill na marked currency sa aktibidad sa loob ng spa.
Narekober din ang maliit na plastic basin na may tuwalya, transparent plastic container na naglalaman ng 20 individual boxes ng condom, calling cards ng wellness spa at whiteboard kung saan nakalagay ang alyas ng mga therapists.
Kabilang pa sa nakuha sa spa ang larawan ng Business Permit/DTI/Tax Declaration na nakalagay ang rehistradong nagmamay-ari ng spa at identification cards ng mga naarestong suspek.
Ang mga biktima at mga ebidensiyang nakuha sa spa ay hawak na ng Southern Police District para sa documentation.
Nagtatago naman sa batas ang registered owner ng spa na ikinokonsidera ng PNP na at large.