Electronic visa operations sa China, sinuspinde ng DFA

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang suspensyon sa electronic visa operations sa China.

Hindi naman nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dahilan ng pagsuspinde ng e-visa operations sa Tsina.

Ginawa ng DFA ang suspensyon tatlong buwan matapos ang launching e-visa system.


Ayon sa DFA, iaanunsyo na lamang nila kung kailan matatapos ang suspensyon.

Una rito, nabunyag ang iligal na pagkakaroon ng ilang Chinese ng Philippine passport gamit ang mga balidong dokumento.

Facebook Comments