Cauayan City, Isabela- Walong (8) panibagong kaso na positibo sa COVID-19 ang naitala sa Cagayan Valley noong July 9, na nagdadala sa kabuuang bilang ng mga kaso sa rehiyon sa 148.
Ang unang kaso ay si CV 141 na isang 29 taong gulang na babae mula sa CITY OF ILAGAN. Isang LSI na galing sa CALOOCAN CITY at nakarating sa ISABELA noong June 30. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 6 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan. Siya ay asymptomatic.
Ang pangalawang kaso ay si CV 142 na isang 42 taong gulang na lalaki mula sa GONZAGA, CAGAYAN. Isang LSI na galing sa MANDAUE, CEBU at nakarating sa Cagayan noong July 6. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 5 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan. Nakaranas ng lagnat at panunuyo ng lalamunan na nagsimula noong July 2.
Ang pangatlong kaso ay si CV 143 na isang 45 taong gulang na lalaki na isang Person Deprived of Liberty (PDL) ng CAGAYAN PROVINCIAL JAIL. May kasaysayan ng paglalakbay sa Calocan City at nakabalik sa lalawigan noong June 22. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 6 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng isolation facility ng Cagayan Provincial Jail. Siya ay asymptomatic.
Ang pang-apat na kaso ay si CV 144 na isang 49 taong gulang na lalaki mula sa CAUAYAN CITY, ISABELA. Isang LSI na galing sa METRO MANILA at nakarating sa Isabela noong July 5. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 6 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Pamahalaang Panlalawigan sa Cauayan City. Siya ay asymptomatic.
Ang panglimang kaso ay si CV 145 na isang 28 taong gulang na lalaki mula sa LAL-LO CAGAYAN. Isang LSI na galing sa TAGUIG CITY at nakarating sa Cagayan noong July 6. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 5 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan. Siya ay asymptomatic.
Ang panganim kaso ay si CV 146 na isang 27 taong gulang na babae mula sa LAL-LO, CAGAYAN. Isang LSI na galing sa QUEZON CITY at nakarating sa Cagayan noong July 6. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 5 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan. Siya ay asymptomatic.
Ang pangpitong kaso ay si CV 147 na isang 21 taong gulang na babae mula sa LUNA, ISABELA. Isang LSI na galing sa PARANAQUE CITY at nakarating sa Cagayan noong July 6. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 4 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan. Siya ay asymptomatic.
Ang pang WALONG kaso ay si CV 148 na isang 26 taong gulang na babae mula sa LAL-LO, CAGAYAN. Isang LSI na galing sa QUEZON CITY at nakarating sa Cagayan noong July 7. Kinuhanan siya ng sample para sa PCR test noong July 7 kung saan ang resulta nito ay positibo. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan. Siya ay asymptomatic.
Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng nagpositibong kaso ay isinasagawa na ng DILG at PNP at kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela, at mga Lokal na Pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibong kaso.
Sila ngayon ay nagtutulong tulong upang maisagawa ang contact tracing, nang agarang matukoy ang naging “close contacts” ng mga pasyente.